Ronda Parokya Training Workshop

Ronda Parokya Training Workshop, inilunsad ng DWVM Spirit FM Lucena at pinaunlakan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang Parokya ng Dioceses ng Lucena.

 

Ika-23 ng Abril, 2022, naglunsad ng kauna-unahang pagtitipon para sa mga kabataan ng mga Parokya na nasasakupan ng Dioceses ng Lucena mula sa distrito ng St. John, St. Matthew, St. Luke at St. Mark upang mabigyan ng kaalaman patungkol sa kahalagahan ng Komunikasyon. Ang nasabing gawain ay may temang patungkol sa pakikialam o pakikipag-ugnayan ng mga kabataan ng Parokya sa local na istasyon ng radio (Spirit FM Lucena). Si G. Getulio “Dik” Cantos mula sa RP1 Lucena ang nagsilbing panauhing tagapagsalita (Resource Speaker) at nagpahayag ng mga balangkas sa larangan ng news writing, news gathering at news reporting, kaugnay nito ang mga iba’t ibang panukala ukol sa nangyayari sa kapaligiran.

                Nagsimula ang programa sa simpleng warm up activity at natapos ito sa pamimigay ng mga sertipiko ng pagkilala sa bawat kalahok ng training/workshop na pinangunahan ng Ministry on Radio Station Director na si Rev. Fr. John Eamone Panganiban kasama sina Leonor Vergara, Mila Arida, Ian Aguilar, Anne Perida, Anjo Seguerra at ang iba pang mga staff. Naganap ang nasabing workshop sa St. Bonaventure Hall ng Sentro Pastoral Building sa Brgy. Isabang, Lucena City.

photo by SPIRIT FM LUCENA