Bagong coconut fertilizer, inilunsad ng Salinas Foods Inc.

Isang uri ng Philippine Sea Salt-based multi-nutrient fertilizer ang inilunsad ng Salinas Foods Inc. bilang produktong makatutulong sa mga magsasaka particular ng niyog sa lungsod ng Lucena at probinsya ng Quezon. Ito ay ang Cocomate Mineral Fertilizer Supplement na mayroong iba’t ibang mineral para mapaganda ang pamumunga ng mga pananim na intercrop. Ilan sa mga intercrop na pwede nitong paggamitan ay ang cacao, paminta, atsuete, kape, at saging. Kaugnay nito ay nagsagawa rin ng seminar ang grupo noong ika-30 ng Hulyo sa Myrtle‚Äôs Farm, Lucena City sa bahagi ng barangay Ilayang Dupay at dinaluhan ng mga miyembro ng Organic Farmers Association. Ang aktibidad na ito ay inilunsad mula parin sa

Salinas Foods Inc. para sa pangangampanya ng Save the Philippine Coconut Trees Movement..

                                                             
                      
                                                               -Anne Margarette Subagan
Photo Source: Excerpt from TV 12 Balita