Brigada Eskwela para sa pagbabalik ng 'F2F classes&'

Matagumpay na inilunsad ng pamunuan ng Domoit Elementary School ang Brigada Eskwela nitong ika-9 ng Agosto, 2022. Ang nasabing aktibidad ay bilang paghahanda sa nalalapit na “Face-to-Face Classes” para sa taong panuruan: 2022-2023. Pinangunahan ng mga guro at kawani ng paaralan ang pagsisimula ng Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela na may temang Brigada Eskwela: Tugon Sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral. Ayon sa Punungguro na si Bb.Josephine L. Ocampo, ang konsepto ng Brigada Eskwela ay hindi lamang “paglilinis at paghahanda ng paaralan” kundi ay sama-samang pakikipagtulungan para sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral. Isinagawa rin ang Briga-Dance o Zumba for Domians noong ika-10 ng Agosto, bilang suporta sa naturang aktibidad at sa
pagpapabuti ng kalusugang pisikal at pangkaisipan ng mga nakilahok.

                                                             -Anne Margarette Subagan
Photo Source: DepEd Tayo Domoit ES – Lucena City