Matapos ang halos dalawang taon, muling nagkasama-sama ang iba’t ibang KBP accredited Quezon-Lucena-Marinduque chapter radio stations para sa Christmas party ngayong taon; 2022.
Ilan sa mga dumalo sa nasabing programa ay ang DWVM 103.9 Spirit FM, 100.7 Love Radio, 92.7 Brigada News FM, Radyo Natin, DWLC 1017 AM Radyo Pilipinas, Love FM, DZAT 1512 Life Radio, at Magik FM.
Kinilala rin ang mga miyembro na pumasa sa nagdaang F2F KBP Accreditation Exam noong ika-24 ng Agosto ngayong taon.
Kabilang sa programa ay ang pagpapakita ng husay at talento ng bawat myembro ng istasyon sa pamamagitan ng isang intermission number—sa pagkanta, pagsayaw, o pag-arte. Sa taong ito, ang 92.7 Brigada News FM ang nagwagi sa kinatutuwaang patimpalak, na sinundan naman ng 100.7 Love Radio at ng DZAT 1512 Life Radio.
Credit: Anne Margarette Subagan