Lead: Matagumpay na isinagawa ang 2022 Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) face-to-face accreditation
exam para sa mga AM at FM announcer mula Quezon- Marinduque Chapter sa St. Bonaventure Hall ng Sentro Pastoral
Bldg. noong ika-24 ng Agosto.
Maagang nagtipon-tipon ang higit 30 media practitioner para sa isang Chapter Review o Final Coaching na pinangunahan
ni Bb. Marie Bismanos “Lady Love”, Station Manager ng 100.7 Love Radio Lucena kasama ang mga iba pang Station
Managers at kinatawan ng bawat himpilan. Ang mga examinee ay nagmula sa iba’t ibang istasyon sa probinsya ng
Quezon at Marinduque.
Ayon sa KBP National Examiner na si G. Emmanuel Abalos, ang KBP accreditation exam para sa mga AM at FM
announcer ay nangangahulugang pagpapataas ng pamantayan at kasanayan ng isang propesyunal na brodkaster. Aniya,
ang proseso ng accreditation ng isang examinee ay magmumula sa 50% ng pagsusulit at 50% ng performance evaluation
na isasagawa ng tagapamahala (o Station Manager) ng isang istasyon na kasapi ng KBP.
Ang KBP ay isang pang-anunsyong ahensya sa Pilipinas na nagbibigay ng mga alituntunin sa pagbrodkast para sa mga
miyembro nito mula sa himpilan ng radyo at telebisyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa KBP, maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na website:
https://www.kbp.org.ph/