Bagong Unit ng Ambulansya, naibigay na sa Lucena Fire Station

Mula sa inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government at Bureau of Fire Protection National Headquarters (BFP), tumanggap ang Lucena Fire Station ng isang bagong unit ng ambulansya.

Ika-10 ng Disyembre 2022, ginanap ang turn over ceremony ng mga bagong ambulansya sa General Linsangan Hall, BFP National Headquarters na pinangunahan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr at dinaluhan ito ng City Fire Marshal FSUPT Aurelio Zalun.

Ayon kay Zalun, malaking tulong ang pagkakaroon ng bagong ambulansya para sa agarang aksyon sa mga rescue incidents sa lungsod ng Quezon lalo pa ngayong holiday season.

Credit: Anne Margarette Subagan

Credit: DWVM-FM