Facebook


Twitter


Youtube


MediaCon ng Markcafe, Tagumpay!

Ika-6 ng Disyembre 2022, ginanap ang media conference ng Markcafe kasama si Mr. Ian Veneracion sa M.I. Sevilla’s Resort, Lucena City. Halos 120 ang mga dumalo sa media partners na nagmula pa sa Bicol Region, Batangas, Quezon Province, at Metro Manila.






Anne Margarette Subagan

Photo Credit: DWVM-Spirit FM

MediaCon ng Markcafe, Tagumpay!

Ika-6 ng Disyembre 2022, ginanap ang media conference ng Markcafe kasama si Mr. Ian Veneracion sa M.I. Sevilla’s Resort, Lucena City. Halos 120 ang mga dumalo sa media partners na nagmula pa sa Bicol Region, Batangas, Quezon Province, at Metro Manila.
Inumpisahan ang programa sa talumpati ni VP for Operations and Accounting Head Diana Rose Camonias na anak ni “Kasangga” Engimar Camonias, ang CEO ng J’Mar Herbs Inc.
Naging bahagi rin ng kaganapang ito ang opisyal na pagpapakilala kay Mr. Ian Veneracion bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Markcafe; isa sa mga produkto ng J’Mar Herbs Inc.
Ayon kay Mr. Camonias, pinag-aralan nila ang lahat ng artista para sa pagpili ng endorser. Paliwanag ng CEO na nababagay raw ang karakter ng actor sa mga mamimili nila na pasok sa age group ng mga magulang.
“Ang sikreto, na syempre hindi natin kayang i-reveal, ay kung ikukumpara sa ibang produkto, iba tayo sapagka’t ang focus natin dito ‘yung health ng tao,” aniya sa tanong ng isang media partner ukol sa [sikreto] ng produkto.
“Dahil sa ganda ng production, dahil sa ganda ng formulation, at dahil sa ganda ng puso ng nagmamay-ari, ang aming mindset ay yung mga parents na naghahanap ng makapagpapalusog sa kanila. Nung ginawa natin yung produkto, nilagyan natin ito ng mga high-end ingredients, then pinasarap po natin,” dagdag pa nito.

Why Markcafe?

Hindi rin naiwasang tanungin ng mga dumalo kung bakit tinanggap ni Ian, ang pag-endorse sa nasabing produkto. Ani ni Mr. Veneracion, mahilig daw ang kaniyang panganay na anak sa pag-inom ng Markcafe at ito ang naging bonding nila. Magmula noon ay nagustuhan na niya ang produkto.

“I’m proud to be part of a brand who started from humble beginnings,” ani ng aktor. “So, myself and my management decided to try to promote this brand […], kasi nga I believe in the product. Iyon po yung criteria ko,” paliwanag ng aktor.