Musika at Biyaya Concert

Musika at Biyaya Concert 2022 itinanghal kasama ang Philippine Madrigal Singers

Tampok ang Philippine Madrigal Singers sa Musika at Biyaya concert na isinakatuparan ng Anima Christi Chorale at DWVM 103.9 Spirit FM sa Our Lady of Lourdes Church, Iyam Lucena City noong ika-16 ng Setyembre 2022.

Sinimulan ngayong buwan ng Setyembre ang Banaag 2022 National Concert Tour ng Philippine Madrigal Singers at ilan kabilang sa mga lugar na binisita ng grupo ay Virac, Catanduanes; Legazpi City, Albay; Naga City, Camarines Sur; Lucena City, Quezon; at Los Baños, Laguna.

Bukod sa konsyerto na ginanap sa Our Lady of Lourdes Church, dinagsa rin ang libreng chorale workshop na dinaluhan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang choir organizations sa Dioceses ng Lucena at maging sa buong probinsya ng Quezon.

Isa ang “I Am Here With You Always” sa mga inawit ng Madz. Ang awiting ito ay mula sa katha ng world-renowned composer at arranger na si Nilo Alcala II, na nagmula rin sa bayan ng Lucena.

Para sa mga susunod na pagtatanghal ng Philippine Madrigal Singers, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page.

 

 

-Anne Margarette Subagan