Mga kaganapan sa Quezon Day 2022

Sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang pagdiriwang ng Araw ng Quezon kaagapay ang kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon nitong ika-17 ng Agosto 2022. Sa unang araw ng pagdiriwang ay masayang ipinamahagi ni Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan ang

pagbubukas ng Agri-Tourism Fair Booths na dinaluhan ng 41 munisipalidad. Layunin ng aktibidad na ito na ipakita at ipadama ang kultura at tradisyon ng buong lalawigan. Makikita rin ang ilan sa mga lokal na produkto ng bawat bayan, lalo na ang produktong pinagmamalaki ng Quezon – ang niyog.

Ayon sa opisyal na Facebook page ng Pamahalaang Panlalawigan, tatakbo ng 5 araw ang pagdiriwang at ang ilan sa mga aabangang programa ay ang iba’t ibang patimpalak tulad ng pagpinta, pagsayaw, at pagkanta. Alinsabay nito ay magkakaroon din ng misa, short film viewing, Quezon Coconut Farmers Summit, at CocOlympics.

 

 

                      
                                                               -Anne Margarette Subagan