Ginanap ang kauna-unahang Diocesan Choral Workshop at General Assembly sa pamumuno ng Liturgical Music Ministry Diocese of Lucena sa Sentro Pastoral noong ika-20 ng Agosto 2022. Umabot sa higit isang libong kalahok ang dumalo sa nasabing workshop. Ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t ibang choir organizations sa diyosesis ng Lucena. Tampok sa workshop na ito ay ang ilan sa mga world-class choral clinicians, kabilang ang mga artistic director ng Young

Voices of the Philippines na si Dr. Maria Theresa Vizconde-Roldan at Prof. Jude Roldan, Ana Tabita Abeleda-Piquero at

Edmund Piquero mula sa Koro Ilustrado, at Mark Anthony Carpio mula sa Philippine Madrigal Singers. Namutawi ang

galak at pagkakaisa ng bawat mang-aawit kung kaya’t nabuo ang damdaming pangkalahatan sa kanilang mga himig- musika.

 

                                                               -Anne Margarette Subagan

Photo Source: Lucena Diocesan Liturgical Music Ministry