CMN LUCENA ELEKSYON 2022 TASK FORCE

Bilang miyembro ng Catholic Media Network,
Naging kabahagi ang DWVM SPIRIT FM CMN LUCENA chapter sa paghahatid ng mga ulat sa araw ng Eleksyon noong Mayo 9, 2022 kaagapay ang mga tagapagbalita mula sa Ronda Parokya ng iba’t ibang lugar sa Dioceses ng Lucena.
Ilan sa mga naitalang pangyayari ang tungkol sa pagkasira ng VCMs, pagkawala ng kuryente at bagal ng pag usad ng pagboto, sa kabilang banda, may mga presinto namang naging maluwag ang daloy ng eleksyon, sa tulong ng mga miyembro ng PPCRV ay naging matiwasay ang bilangan ng boto sa Lucena City.

photo by SPIRIT FM LUCENA