Misa ng Pasasalamat inihandog ng Pamahalaang Panglalawigan ng Quezon

Isang Misa ng Pasasalamat ng Pamahalaang Panglalawigan ng Quezon ang ginanap sa Parokya ng Katedral ni San Fernando, ika-isa ng Hulyo taong kasalukuyan. Ganap na ika-tatlo ng hapon nang pangunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Lucena, Lub. Kgg. Mel Rey M. Uy, D.D. ang Misa. Kasama din ang Obispo ng Diyosesis ng Gumaca, Lub. Kgg. Victor Ocampo at Obispo Emeritu ng Diyosesis ng Lucena, Lub. Kgg. Emilio Z. Marquez. Nakiisa din ang mga kaparian mula sa Diyosesis ng Lucena, Diyosesis ng Gumaca at Prelatura ng Infanta.

 

Dinaluhan ang nasabing misa para sa Pamahalaang Panglalawigan ng Quezon sa pangunguna ng bagong halal na Gobernadora, Doktora Helen Tan kasama ang kanyang asawa na si Engr. Ronnel Tan, Bise-Gobernador Anacleto “Third” Alcala at ang ilang miyembro ng Sangguniang Panglalawigan ng Quezon.

 

Sinabi ni Bishop Mel Rey sa homiliya na sana ang magiging oath taking  ng mga bagong halal na opisyal ay hindi lang basta seremonya bagkus maging panata natin at maging instrumento ng pagtutulungan at pagkalinga